Mga branch ng korte sa Malolos, Los Baños at Bataan isinailalim sa physical closure

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2020 - 10:45 AM

Isinailalim sa physical closure ang mga branch ng korte sa Malolos, Bulacan; Los Baños, Laguna at Balanga, Bataan.

Sa inilabas na memo ni Executive Judge Olivia Escubio-Samar, isang staff ng Malolos City, Bulacan, RTC Branches 103 ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito isinara pansamantala ang nasabing branch of court pati ang opisina ng Branch 83.

Nagsasagawa na ng contact tracing para matukoy ang mga nakasalamuha ng pasyente na huling pumasok sa trabaho noong Oct. 13.

Tatagal ang pagsasara hanggang sa Oct. 27.

Samantala, sarado naman hanggang Oct. 28 ang Los Baños Municipal Trial Court.

Isa rin kasi sa mga staff ng korte ang nagpositibo sa isinagawang RT-PCR test para sa COVID-19.

Lahat ng staff ng korte ay sasailalim sa RT-PCR Test.

Inatasan din ang mga empleyado na mag-work from home.

Samantala, ang Balanga, Bataan, RTC Branch 3 naman ay sarado din hanggang sa Oct. 28, 2020.

Isa rin kasi sa mga empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-19 nang isailalim sa confirmatory RT-PCR Test.

Inatasan ang lahat ng empleyado na sumailalim sa home quarantine sa loob ng 14 na araw.

 

 

 

 

TAGS: bataan, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Los Banos, Malolos, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, bataan, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Los Banos, Malolos, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.