Global cases ng COVID-19 mahigit 38.6 million na

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2020 - 10:03 AM

Umabot na sa mahigit 38.6 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Huwebes (Oct. 15) ay 38,699,608 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 350,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 54,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 67,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 26,000 na mga kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 8,144,974
India – 7,305,070
Brazil – 5,140,863
Russia – 1,340,409
Spain – 937,311
Colombia – 930,159
Argentina – 917,035
Peru – 853,974
Mexico – 825,340
France – 779,063

 

 

 

TAGS: Brazil, India, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, Brazil, India, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.