Gaganapin ito sa October 23, 2020 sa Baguio Country Club, Cordillera Convention Hall.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, sa susunod na dalawang araw, darating sa Baguio by batch ang 48 contestants at magsasagawa ng photoshoots sa mga tourist spots sa Benguet.
Tiniyak ni Magalong na dadaan sa basic border protocols ang mga organizer at kandidata ng pageant bago makapasok sa lungsod.
Mananatili sa Baguio City ang mga kalahok hanggang sa October 25.
Habang sila ay nasa Baguio, sila ay mananatili sa Baguio Country Club at ang coronation night ay gagawin ng closed doors.
READ NEXT
33 driver naisyuhan ng ticket dahil sa iba’t ibang paglabag kabilang ang hindi pagsusuot ng face shield at face mask
MOST READ
LATEST STORIES