33 driver naisyuhan ng ticket dahil sa iba’t ibang paglabag kabilang ang hindi pagsusuot ng face shield at face mask
Nagsagawa ng inspeksyon ang Inter-Agency Council for Traffic (IACT), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga Public Utility Bus (PUB) na bumibiyahe sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Parte ng isinagawang inspeksyon ay ang pagsiguro na ang mga pasahero, driver at konduktor ng bus ay nakasuot ng face mask at face shield.
Bukod pa dito ay siniguro din ng mga enforcers na nasusunod ang one-seat apart rule.
Siniguro din ng ating mga enforcers na gumagana nang maayos ang thermometer na ginagamit upang i-check ang temperatura ng mga pasahero.
Ininspeksyon din kung mayroong alcohol o sanitizer na pang disinfect para sa mga pasahero na papasok ng bus.
Sa kabuuan, 33 traffic violators ang binigyan ng ticket dahil sa mga paglabag.
Ilan sa mga kadalasang violations ay hindi tamang pagsuot ng face shield o face mask, hindi nakasuot ng tamang uniporme ang driver, at kulang sa alcohol o disinfectant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.