Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Martes, October 13), nadagdagan ng 96 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 8,277.
Sa nasabing bilang 798 ang active cases.
Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 327 kung saan nakapagtala ng 1 bagong nasawi.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 9,402 na.
MOST READ
LATEST STORIES