Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, 5,218 na
Napaulat ang 37 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 5:08 Miyerkules ng hapon (October 14), 5,218 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 434 ang aktibong kaso.
11 ang itinuturing na probable cases habang 1,508 ang suspected cases kung saan 18,918 ang cleared na.
65 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,624 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Nanatili naman sa 160 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.