Higit 100 pang kaso ng COVID-19, nadagdag sa Central Visayas
By Angellic Jordan October 14, 2020 - 11:35 PM
Nagkaroon pa ng 103 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 14, 21,619 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.
Sa naturang bilang, 982 ang aktibo pang kaso.
Umabot sa 48 ang bagong gumaling kung kaya 19,335 na ang COVID-19 recoveries.
Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.
Dahil dito, 1,302 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.