63 pang residente sa Eastern Visayas, tinamaan ng COVID-19

Nadagdagan ng 63 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,026 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Miyerkules ng gabi (October 14), 5,556 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 724 o 13.03 porsyento ang aktibong kaso.

Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 4,778 o 86.00 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 54 naman ang mga residenteng nasawi o 0.97 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...