Mga gumaling sa COVID-19 sa Muntinlupa City, lagpas 4,200 na
By Angellic Jordan October 14, 2020 - 07:42 PM
Nasa 4,510 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (October 14), sa nasabing bilang ay 159 ang aktibong kaso.
468 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 160 ang suspected cases.
Samantala, 4,203 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 148 pa rin ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.