Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Sa abiso ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, ito ay bunsod ng Tropical Depression Ofel.
Nakataas ang orange warning sa Quezon.
Itinaas naman ang yellow warning sa Laguna at Batangas.
Maliban dito, nagbabala ang weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales at Pampanga sa susunod na tatlong oras.
Light to moderate na may occasional heavy rains naman ang iiral sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Bataan sa susunod na tatlong oras.
Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.