Grade 7 student nahulog mula 4th floor, buhay

By Jan Escosio October 14, 2020 - 04:49 PM

Inoobserbahan sa Ospital ng Makati ang isang 12-anyos na lalaki matapos mahulog ito ng apat na palapag ng condominium building sa Taguig City, Martes ng gabi.

Base sa salaysay ni Benedict Esguerra, iniwan sila ng kanyang nakakabatang kapatid na si John Drei ng kanilang ina sa kanilang unit sa Building 4 Centennial Village sa Barangay Western Bicutan.

Aniya, umalis ang kanilang ina para humiram ng cellphone na maaring magamit ng anak sa online class.

Dagdag pa nito, ala-6:30 nagsabi sa kanya ang kapatid na nagugutom na kayat bumaba ito para bumili ng kanilang makakain.

Ngunit sa kanyang pagbalik, nasalubong niya ang kanilang kapitbahay na bitbit ang nakakabatang kapatid at nalaman na nahulog ito mula sa kanilang unit sa 4th floor hanggang sa maputik na bahagi ng ground floor.

Wala pang detalye sa dahilan nang pagkakahulog ng biktima.

TAGS: Benedict Esguerra, Inquirer News, nahulog sa condo, ospital ng makati, Radyo Inquirer news, Benedict Esguerra, Inquirer News, nahulog sa condo, ospital ng makati, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.