Yellow heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Laguna, Batangas at Quezon
Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa mga lalawigan sa Southern Luzon.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong October 14, yellow warning ang umiiral sa Laguna, Batangas, at Quezon.
Mahina hanggang katamtaman na pag-ulan naman ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, at Pampanga sa susunod na mga oras.
Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nakaaapekto sa Metro Manila, Bulacan, Rizal at Cavite.
Ayon sa PAGASA ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng tropical depression Ofel.
Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.