Pagtalakay sa P4.5T national budget magiging mabilis kahit ibinalik sa “period of debates and interpellation”

By Erwin Aguilon October 14, 2020 - 11:10 AM

Tiniyak ni House Committee on Appropriations Vice Charman Joey Salceda na magiging mabilis ang pag-apruba sa 2021 General Appropriations Bill kahit na inirekonsidera ang period of debates and interpellation at ang pag recall sa second reading approval nito.

Ilang kongresista ang umapela sa mga nakalipas na araw na muling buksan aNg plenary debates sa panukalang pondo upang sa gayon ay mabusisi ng husto ang nilalaman nito.

Mahalaga rin aniya na matiyak na wasto ang alokasyon sa iba’t ibang sektor at ahensya ng pamahalaan alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas.

Sa ngayon, mahigit 10 ahensya pa ng pamahalaan ang hindi pa natatalakay ang budget sa plenaryo ng Kamara.

Pero habang tinatalakay sa plenaryo ang budget, sinabi ni Salceda na patuloy na kikilos naman ang small committee na binuo para tumanggap ng amyenda mula sa mga kongresista upang mapapbilis ang approval ng budget.

Target aprubahan sa Biyernes ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang P4.5T 2021 national budget.

 

 

TAGS: budget deliberations, budget hearing, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, budget deliberations, budget hearing, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.