Mahigit 500 pasahero stranded sa mga pantalan sa Bicol dahil sa bagyong Ofel

Mayroong mahigit 500 mga pasahero na stranded sa mga pantalan sa Bicol Region dahil tropical depression Ofel.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region V hanggang ngayong Mieyrkules (Oct. 14) ng umaga ay mayroong 526 na katao na stranded.

Mayroon ding 156 na trucks, 41 light vehicles, at 17 sea vessels ang stranded.
Habang 11 sasakyang pandagat ang nagkanlong pansamantala sa iba’t ibang pantalan sa Bicol.

Sa mga stranded na pasahero, 112 ang nasa Albay at 414 ang nasa Sorsogon.

 

 

 

Read more...