Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules (Oct. 14) ay 38,315,673 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 281,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 45,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 63,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 10,200 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 8,083,348
India – 7,237,082
Brazil – 5,113,628
Russia – 1,326,178
Spain – 925,341
Colombia – 924,098
Argentina – 903,730
Peru – 851,171
Mexico – 821,045
France – 756,472