Mga sinibak ng kampo ni dating speaker Cayetano maaring maibalik sa posisyon

By Erwin Aguilon October 14, 2020 - 10:04 AM

Malaki ang posibilidad na maibalik sa kanilang pwesto ang mga kaalyado ni Speaker Lord Allan Velasco na unang tinanggal sa house leadership.

Ayon kay Cavite Rep. Boying Remulla, ibabalik sa kanilang mga Committee Chairmanships ang mga kongresista na tinanggal sa kasagsagan ng tensyon sa speakership issue.

Kabilang dito si 1PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero na inalis bilang Deputy Speaker, AAMBIS-OWA Partylist Rep Sharon Garin na tinanggal bilang Chairman ng Economic Affairs Committee at Quezon Rep. Angelina Tan na sinibak na Chairman ng Committee on Health.

Magkagayunman, wala pang abiso kung magkakaron ng iba pang rigodon sa Chairmanships ng iba pang komite.

Sa unang araw bilang House Speaker inalis si Cavite Rep. Bambol Tolentino bilang chairman ng House Committee on Accounts at ipinalit si presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte.

Matatandaang naman na sinabi ni Velasco, na tutuparin niya ang unang napagkasunduan na walang balasahan sa Committee Chairmanships at tanging speakership post at Chairman ng Accounts ang mapapalitan.

 

 

TAGS: House of Representatives, House Speakership, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, House of Representatives, House Speakership, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.