Ayon sa PAGASA, ang second landfall ng bagyo ay sa bisinidad ng Matnog, Sorsogon dakong alas 6:00 ng umaga.
Bumilis pa ang kilos ng bagyo habang tinatawid ang southern portion ng Sorsogon.
Huli itong namataan sa layong 30 kilometers Southwest ng Juban, Sorsogon o sa layong 30 kilometers Northeast ng Masbate City, Masbate.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong west northwest sa bilis na 25 kilometers bawat oras.
Nadagdagan pa ang mga lugar na nakasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Batangas
– southern portion ng Laguna (Luisiana, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo City, Calauan,Alaminos, Los Banos, Bay, Magdalena)
– southern portions ng Quezon (Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres, Mulanay, San Francisco, Catanauan, Lopez, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Tayabas City, Mauban, Sampaloc, Lucban, Gumaca, General una, Macalelon, Pitogo, Unisan, Plaridel, Padre Purgos, Agdangan, Pagbilao, Lucena City,Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Burias Islands)
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
Ayon sa PAGASA, inaasahang tatawirin din ng bagyo ang Southern Luzon area.
Narito naman ang rainfall forecast ng PAGASA sa bagyong Ofel:
Ngayon hanggang bukas ng umaga:
– moderate to heavy with at times intense rains sa Bicol Region, CALABARZON, Marinduque, Romblon, at Mindoro Provinces.
– moderate with at times heavy rains sa Metro Manila, Central Luzon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, at Biliran.
– Makararanas din ng pag-ulan sa Mindanao dahil sa Southwest Monsoon.