Red rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Northern Samar at Sorsogon

By Dona Dominguez-Cargullo October 14, 2020 - 06:15 AM

Dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan itinaas pa ng PAGASA ang rainfall warning na umiiral sa Northern Samar at Sorsogon.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Oct. 14 ay red warning level na ang umiiral sa dalawang lalawigan.

Nagbabala ng severe flooding ang PAGASA sa mga flood prone areas at malalapit sa river channels.

Orange warning naman ang nakataas na sa Masbate at Albay.

Habang yellow warning level sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Marinduque at Romblon.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga inilalabas na abiso ng weather bureau sa lagay ng panahon.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, OfelPH, Pagasa, Radyo Inquirer, red warning, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, OfelPH, Pagasa, Radyo Inquirer, red warning, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.