Ayon sa PAGASA, sa ngayon tinatawid ng bagyo ang Samar Island.
Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Bobon, Northern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal sa number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Southern portion ng Batangas (Batangas City, Ibaan, Padre Garcia, Rosario, San Juan, Taysan, Lobo)
– southern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Calauag, Alabat, Perez, Quezon, San Francisco, San Andres, San Narciso, Mulanay, Buenavista, Lopez, General Luna, Gumaca, Macalelon, Pitogo, Unisan, Plaridel, Atimonan, Agdangan, Padre Burgos, Lucena City, Pagbilao, Candelaria, Sariaya, Tiaong, San Antonio, Tayabas City, Dolores, Catanauan)
– Oriental Mindoro
– Marinduque
– Romblon
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– northern portion ng Leyte (Tabango, Leyte, San Isidro, Calubian, Capoocan, Carigara, Jaro, Pastrana, Dagami, Tabontabon, Tanauan, Palo, Santa Fe, Alangalang, Tacloban City, Babatngon, San Miguel, Barugo, Tunga)
Ayon sa PAGASA, inaasahang tatawirin ng bagyo ang inland seas ng Southern Luzon at dadaan o lalapit sa Masbate, Romblon, at Mindoro Provinces.
Inaasahang sa Biyernes ay lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ngayong araw hanggang bukas, maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang bagyo sa Bicol Region, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Marinduque, Romblon, Quezon, Batangas, at Mindoro Provinces.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila, Aurora, Bataan, Pampanga, Bulacan, at nalalabing bahagi ng CALABARZON.