COVID-19 cases sa Eastern Visayas, halos 5,500 na

Nadagdagan ng 173 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,198 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Martes ng gabi (October 13), 5,493 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 716 o 13.03 porsyento ang aktibong kaso.

Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 4,725 o 86.02 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 52 naman ang mga residenteng nasawi o 0.95 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...