380 violators sa iba’t ibang ordinansa, nahuli sa Navotas City

By Angellic Jordan October 13, 2020 - 07:40 PM

Umabot sa 380 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Lunes ng hapon (October 12), hanggang 5:00, Martes ng hapon (October 13).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 187 kung saan 93 ang adult habang 94 ang menor de edad.

Sumunod dito ang hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 185.

Isa ang nahuling hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, pito naman lumabag sa iba pang ordinansa.

TAGS: city ordinance violators, COVID-19 response, curfew violators, Inquirer News, Navotas Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators, city ordinance violators, COVID-19 response, curfew violators, Inquirer News, Navotas Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.