BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 344,713

Halos 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (October 13), umabot na sa 344,713 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 44,958 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,990 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.6 porsyento ang asymptomatic; 1.7 porsyento ang severe habang 3.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 40 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 6,372 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 327 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 293,383 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...