Pangulong Duterte, kumpiyansang maipapasa ang 2021 budget sa takdang panahon

By Chona Yu October 13, 2020 - 04:23 PM

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na maipapasa na sa takdang panahon ang P4.5 trilyong national budget para sa taong 2021.

Ito ay dahil nawakasan na ang sigalot sa pagka-Speaker sa Kamara sa pagitan nina Taguig Congressman Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maisasantabi na kasi ang pulitika at matututukan na ng mga kongresista ang budget.

Malinaw naman kasi aniya ang mensahe ng Pangulo noon pa man na mahalagang maipasa ang budget.

Nagpatawag ng special session si Pangulong Duterte mula October 13 hanggang 16 para sa deliberasyon sa budget.

TAGS: 18th congress, 2021 budget, 2021 national budget, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, Sec. Harry Roque, 18th congress, 2021 budget, 2021 national budget, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.