One-seat-apart rule sa mga pampublikong sasakyan, inaprubahan na

By Chona Yu October 13, 2020 - 02:00 PM

Inaprubahan na ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang one-seat-apart rule sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, niluwagan ang distansya sa mga sasakyan para mapasigla pa ang ekonomiya ng bansa na nalugmok dahil sa COVID-19.

Sa halip na isang metro ang layo ng bawat pasahero, one seat apart na lamang ito.

Luluwagan na rin ang pagpasada ng mga bus, taxi, motorcycle taxi, shuttle, transport network vehicle service at iba pa

“Inaprubahan po ng gabinete, na sa pampublikong transportasyon, one-seat-apart na po ang distansya,” pahayag ni Roque.

Pero paalala ni Roque, bagamat luluwagan na ang pagbiyahe sa mga pampublikong sasakyan, kinakailangan na sundin ang pitong commandment.

Ito ay ang pagsusuot ng face mask, face shield, bawal magsalita o kumain, may sapat na ventilation sa loob ng sasakyan, madalas na disinfection sa mga sasakyan, hindi pagpapasakay sa mga may sintomas ng COVID-19, at tamang physical distancing.

Samantala, inaprubahan na rin ang pagpapatupad ng mas maiksing curfew hours na nagsisimula ng 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga pati na ang pagkakaroon ng multiple work shifts para mas maraming manggagawa ang makabalik na sa trabaho at mas maraming consumer ang makalabas.

Inaprubahan din ang gradual expansion ng mga business establishment sa 75 hanggang 100 percent.

Inaprubahan din ng Gabinete ang gradual expansion ng age group na maaaring makalabas ng bahay gaya halimbawa ng mga 15 anyos hanggang 65 taong gulang.

Tiniyak naman ni Roque na kung sakaling tumaas muli ang kaso ng COVID-19, pananatilihin ang kasalukuyang quarantine level at magpapatupad ng localized lockdown.

Magiging epektibo ang mga bagong kautasan matapos mailatahala sa Official Gazette.

TAGS: cabinet members, Inquirer News, one-seat-apart rule, public transportation, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, cabinet members, Inquirer News, one-seat-apart rule, public transportation, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.