Sunog, sumiklab sa isang residential area sa QC

By Angellic Jordan October 13, 2020 - 03:39 PM

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Quezon City, Martes hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), apektado ng sunog sa bahagi ng Kasunduan Street sa Barangay Commonwealth.

Itinaas sa unang alarma ang sunog bandang 12:59 ng tanghali.

Umabot pa ang sunog sa ikalawang alarma.

Idineklarang fire out sa naturang lugar dakong 2:33 ng hapon.

Samantala, ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMO), isang residente ang binigyan ng first aid matapos makaranas ng hyper ventilation.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng sunog.

TAGS: Barangay Commonwealth fire, BFP, Fire incident in Quezon City, Inquirer News, QCDRRMO, Radyo Inquirer news, Barangay Commonwealth fire, BFP, Fire incident in Quezon City, Inquirer News, QCDRRMO, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.