Ilang parte ng Central Luzon, CALABARZON makararanas ng pag-ulan

By Angellic Jordan October 13, 2020 - 01:45 PM

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lugar sa Central Luzon at CALABARZON, ayon sa PAGASA.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:03 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Tarlac, Zambales, Pampanga, Laguna, Quezon at Nueva Ecija.

Maaapektuhan din ang Ternate, Cavite; Batangas partikular sa Agoncillo, Lemery, Lipa, Mataas na Kahoy. Cuenca, Calaca, Lian at Nasugbu.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], thunderstorm advisory, weather update October 13, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], thunderstorm advisory, weather update October 13

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.