Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Calayan, Cagayan Martes ng tanghali.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 47 kilometers Northeast ng Calayan.
Naramdaman ang pagyanig bandang 12:36 ng tanghali.
Tectonic ang origin nito at walong kilometro ang lalim.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.