Ayon kay Moreno, may naitala kasing bagong wave ng COVID-19 sa Maynila sa mga nakalipas na araw.
Kinakailangan aniya na maging mapagmatyag ang publiko kahit na iniuulat na ng Department of Health (DOH) na bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Ayon kay Moreno, kailangang bantayan ang second wave dahil base sa ulat international news, nagkakaroon na rin ngayon ng second wave sa Amerika at Europa.
Ginagamit aniya ito ng lokal na pamahalaan bilang tanda o paalala na hindi pa rin nawawala ang panganib sa COVID-19.
Ito rin aniya ang dahilan kung kaya pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mass testing na ginawang libre para sa mga taga-Maynila at maging sa mga hindi residente ng Maynila.