BREAKING: Rep. Alan Peter Cayetano nagbitiw na bilang house speaker

By Erwin Aguilon October 13, 2020 - 12:09 PM

Naghain na ng kanyang irrevocable resignation bilang House Speaker si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Ang pagbibitiw ay inihayag ni Cayetano sa pamamagitan ng kanyang Facebook live.

Nagpasalamat si Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Cayetano na isa siyang ‘good follower’ at inirerespeto nito ang liderato ni Pangulong Duterte.

Nagpasalamat si Cayetano kay Duterte sa oportunidad na ibinigay upang siya ay maging house speaker.

Sinabi ni Cayetano na noong panahong iyon ay pinakamataas ang house ratings at halos naipasa ang mahahalagang batas na karamihan ngayon ay pending na sa Senado.

Humingi rin ito ng paumanhin kay Pangulong Duterte dahil sa mali ang kaniyang interpretation na nais na itong ituloy ang pagtalakay at pagpasa sa 2021 national budget.

Hindi aniya nito hinangad na hindi sundin o sumuway sa pangulo.

Nagpasalamat ito sa mga sumusuporta sa kanya sa Mababang Kapulungan at nanawagan na suportan ang proseso ng budget.

Nag sorry din ito sa kanyang mga staff dahil hindi nito nakausap ang mga ito ng personal.

 

 

 

TAGS: house speaker, Inquirer News, irrevocable resignation, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, house speaker, Inquirer News, irrevocable resignation, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.