Mahigit 100,000 board feet ng kontrabandong kahoy nakumpiska sa Cagayan

Umabot sa 100,000 board feet ng kontrabandong kahoy ang nakumpiska ng mga tauhan ng Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO Cagayan.

Nagpasalamat si Atty. Ismael Manaligod ng PENRO-Cagayan sa mga tumulong sa ahensya para protektahan at supilin ang walang habas na pagpuputol ng kahoy sa probinsya.
Ayon kay Manaligod, umabot na sa mahigit 100,000 board feet ng kontabandong kahoy ang nasakote na ng DENR sa Cagayan at napakalaking tulong dito ang koordinasyon at pakikipagtulungan ng iba pang ahensya tulad ng PNP, AFP at Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa kanilang kampanya.

Isa pa sa nakatulong sa pagkakahuli ng mga kontrabandong kahoy ay ang mga sumbong na ipinaaabot mula sa linyang “Isumbong mo kay Gob” ni Gobernador Manuel N. Mamba.

Ayon pa kay Atty. Manaligod ay mga positibong tip kadalasan ang kanilang natatanggap mula sa linya ni Gob. Mamba na nagreresulta ng pagkakasakote ng libu-libong board feet ng kahoy.

Inamin din ni Atty. Manaligod na nanatiling nasa hotspot ang mga bayan ng Baggao at Penablanca pagdating sa illegal logging.

 

 

 

Read more...