Tatlo patay sa aksidente sa Cebu

map cebuNasawi ang dalawang lalaki at isang babae matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa center island ng Maximo Patalinghug Avenue sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City, Cebu kaninang madaling araw.

Dalawa sa mga nasawi ay sina Jake Igot, 20-anyos at Henry Caballes, 18-anyos habang hindi pa nakikilala ang isa pang kasama nilang babae na nasawi din sa aksidente.

Humampas ang ulo ng tatlo na dahilan ng agad nilang pagkamatay.

Ayon kay PO1 Jennifer Dicatoria ng Lapu-Lapu City Traffic Division, si Igot ang nagmamaneho ng motorsiklo at sakay niya si Caballes at ang babae nang maganap ang aksidente.

Patungo umano sa Barangay Pajo sa Lapu-Lapu ang tatlo nang sumalpok ang motorsiklo sa center island sa madilim at kurbadang bahagi ng Maximo Patalinghung Avenue.

Read more...