Sabi ni Cayetano, hindi basta-basta makakapagsagawa ng sesyon ang mga kongresista base lamang sa kanilang sariling kagustuhan lalo pa ngayon ay suspended pa rin ang kanilang sesyon at ngayong araw pa babalik sa plenaryo alinsunod sa ipinatawag na special session ni Pangulong Rodrigo Duterte.
ang session anya na kanilang idinaos sa Batangas noong Enero kasunod nang pagputok ng Bulkang Taal ay bunga ng isang resolusyon na kanilang inaprubahan.
Sinabi ni Cayetano na nilabag din ng mga kaalyado ni Velasco ang safety protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) dahil sa pagtitipon-tipon ng mga ito sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.
Binalaan ni Cayetano sina Velasco na huwag ilagay sa putikan ang Kamara at huwag ding idiskaril ang pleary deliberations sa 2021 proposed P4.5-trillion national budget.
Marami na aniya siyang malalaking taong binangga kaya hindi siya natatakot na kumilos sa oras na malagay sa alanganin ang panukalang pondo para sa susunod na taon.
Nangangako naman si Cayetano sa isang “honorable at orderly” session mamaya sa kabila nang pangyayari kahapon.
Gayunman umaapela ito ng pag-unawa at kooperasyon mula sa mga kapwa kongresista upang sa gayon ay masunod pa rin ang kanilang target na maaprubahan sa lalong madaling panahon ang panukalang pondo alinsunod na rin sa apela ni Pangulong Duterte