Sesyon sa labas ng Batasang Pambansa paglapastangan sa Saligang Batas ayon kay Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon October 13, 2020 - 08:35 AM

Tinawag na paglapastangan ni House Speaker Alan Peter Cayetano hindi lamang sa House rules kundi maging sa Saligang Batas ang ginawang sesyon ng kampo ni Preseumptive Speaker Lord Allan Velasco para palitan ang liderato ng Kamara.

Sabi ni Cayetano, hindi basta-basta makakapagsagawa ng sesyon ang mga kongresista base lamang sa kanilang sariling kagustuhan lalo pa ngayon ay suspended pa rin ang kanilang sesyon at ngayong araw pa babalik sa plenaryo alinsunod sa ipinatawag na special session ni Pangulong Rodrigo Duterte.

ang session anya na kanilang idinaos sa Batangas noong Enero kasunod nang pagputok ng Bulkang Taal ay bunga ng isang resolusyon na kanilang inaprubahan.

Sinabi ni Cayetano na nilabag din ng mga kaalyado ni Velasco ang safety protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) dahil sa pagtitipon-tipon ng mga ito sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.

Binalaan ni Cayetano sina Velasco na huwag ilagay sa putikan ang Kamara at huwag ding idiskaril ang pleary deliberations sa 2021 proposed P4.5-trillion national budget.

Marami na aniya siyang malalaking taong binangga kaya hindi siya natatakot na kumilos sa oras na malagay sa alanganin ang panukalang pondo para sa susunod na taon.

Nangangako naman si Cayetano sa isang “honorable at orderly” session mamaya sa kabila nang pangyayari kahapon.

Gayunman umaapela ito ng pag-unawa at kooperasyon mula sa mga kapwa kongresista upang sa gayon ay masunod pa rin ang kanilang target na maaprubahan sa lalong madaling panahon ang panukalang pondo alinsunod na rin sa apela ni Pangulong Duterte

 

TAGS: house leadership, House Speakership, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, special session, Tagalog breaking news, tagalog news website, house leadership, House Speakership, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, special session, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.