Malakanyang umaasang maipapasa na ang 2021 naitonal budget sa Kamara sa October 16
Umaasa ang Palasyo ng Malakanyang na aatupagin na ngyaong araw ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa sa 4.5 trilyong pisong 2021 national budget.
Pahayag ito ng palasyo isang araw matapos ang madramang pagpapalit ng speaker sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City kung saan pinatalsik sa puwesto si Taguig Congressman Alan Peter Cayetano at pinalitan ni Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, panahon na para isantabi ang pulitika at umpisahan nang atupagin ang budget.
Umaasa aniya si Pangulong Rodrigo Duterte na maipapasa ang budget sa October 16.
“Kaya nga po bilang tumatayong pinuno ng super majority diyan sa Kamara ang pakiusap niya, at mukhang hindi po yata pinapakikinggan ang Presidente, isantabi muna ang pulitika, ipasa ang budget. The President expects his allies, those who consider him still as their leader to convene tomorrow to discuss the budget and pass it on or before the 16th,” ayon kay Roque.
Nagpatawag ng special session si Pangulong Duterte simula ngayong araw, October 13 hanggang 16 para sa budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.