Kaso ng COVID-19 sa India mahigit 7.1 million na

Umabot na sa mahigit 7.1 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 54,700 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 7,173,345 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 6.2 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 863,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 700 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 109,894 na.

 

 

 

Read more...