Regional Field Office ng DA sa Region 2 sasailalim sa isang linggong lockdown
Isasailalim ang Department of Agriculture Regional Field Office – 2 (DA-RFO 02) sa isang linggong lockdown maging ang kanilang mga research center at experiment stations.
Ayon kay Regional Executive Director Narciso A. Edillo, tatagal ang lockdown hanggang sa Oktubre 16.
Inaprubahan aniya ni DA Secretary William D. Dar ang lockdown matapos na tatlong empleyado ng opisina ang magpositibo sa COVID-19.
Bagaman may lockdown sa opisina ay magkakaroon pa rin ng skeletal force ang tanggapan kaya tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo.
Samantala, nakiusap si Edillio sa mga tanggapan, indibidwal o grupo ng mga magsasaka, lokal na pamahalaan at iba pang partido na kung mayroong mga transaksiyon sa DA ay maaaring isumite na lang muna sa e-mail, itawag o itext sa pamunuan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.