U.S. dapat bigyan ng malaking share ang Pilipinas sa kanilang apparel market-Tolentino

Francis Tolentino 2Sinabi ni independent senatorial candidate Francis Tolentino na dapat samantalahin ni Pangulong Benigno Aquino III ang magandang ugnayan nito kay U.S. President Barack Obama para pasiglahin ang industriya ng damit sa bansa.

Ayon kay Tolentino dapat bigyang pansin ng Amerika ang mga de-kalidad na mga tela, sapatos at damit na gawa ng mga Filipino para ipagbili sa Estados Unidos.

Aniya 42 percent na mga ibinebentang sapatos at damit ng mga US companies ay gawang China samantalang isang porsyento lang ang mula sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Tolentino na nang pirmahan ni Obama ang extension ng generalized system of preference o GSP. noong nakaraang raon hindi nakasama ang mga tela, damit at sapatos na made in the Philippines.

Giit nito malaking tulong sana ito sa garment sector ng ating bansa na umaasa sa zero tariff privileges na makukuha sa GSP program ng Amerika.

Binanggit ni Tolentino na ang European Union ay hindi naniningil ng taripa sa mga prutas, pagkain, sapatos, damit at tela na gawang Pinoy dahil sa katulad na programa.

Ipinunto ng kandidato sa pagkasenador na dapat ay ibinibigay din ng US ang ganitong pribilehiyo sa mga produktong mula sa Pilipinas.

Read more...