Naitala ang mga bagong kaso mula sa 437 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Lunes ng gabi (October 12), 5,321 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 605 o 11.37 porsyento ang aktibong kaso.
Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 4,665 o 87.67 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 51 naman ang mga residenteng nasawi o 0.96 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES