COVID-19 recoveries sa Mandaluyong City, lagpas 4,500 na
Napaulat ang 37 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 5:07, Lunes ng hapon (October 12), 5,133 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 469 ang aktibong kaso.
10 ang itinuturing na probable cases habang 1,660 ang suspected cases kung saan 18,176 ang cleared na.
49 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,505 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat naman sa 159 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.