P2.5-B budget para sa ‘green open spaces’ inilaban ni Sen. Poe
Ipinaglalaban ni Senator Grace Poe na maibalik sa itinutulak na P45.5-trillion proposed 2021 national budget ang P2.5 bilyon pondo para sa pagpapagawa ng public open spaces sa mga pangunahing lungsod.
Naniniwala ang senadora na malaki ang maitutulong ng mga parke at open spaces sa mga hindi naman taglay ang COVID-19.
Inilaan ang P2.5 bilyon para sa pagpapatayo at pagsasaayos ng public open spaces sa ilalim ng Local Government Support Fund mula 2018 hanggang 2020.
Pinansin ng senadora na ang wala ang pondo para sa pambansang pondo sa susunod na taon.
“Public spaces can provide an outlet for our strained and anxious citizens,” sabi ni Poe base sa pag-aaral noong 2018 ng World Health Organization na ang mga lungsod sa Pilipinas ay kulang sa mga parke at open spaces kung saan sana maaring mag-exercise ang mga tao.
Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force ang non-contact sports gayundin ang ilang paraan ng pag-ehersisyo basta nasusunod ang minimum health protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.