Mayor sa North Cotabato na kasapi ng LP, kay Senator Bongbong Marcos ibinigay ang suporta

OLYMPUS DIGITAL CAMERA
OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Sa halip na ang pambato ng Liberal Party (LP) ay si vice presidential candidate Bongbong Marcos ang sinuportahan ng isang alkalde sa North Cotabato na kasapi ng LP party.

Inanunsyo ni Makilala, North Cotabato Mayor Rudy Caoagdan na kay Marcos niya ibibigay ang kaniyang suporta dahil naniniwala siya sa mga programa nito at adbokasiya.

Si Caoagdan ay miyembro ng ruling party na LP.

Si Marcos ay nag-ikot kahapon sa mga bayan at lungsod sa North Cotabato, partikular sa mga bayan ng Makilala, Kidapawan, Matalam, Kabacan at Midsayap.

Ayon kay Caoagdan, na umaming siya ay magtatawid partido, kay Marcos niya ibibigay ang suporta dahil naniniwala siya sa plataporma nito maliban pa sa ang kaniyang magulang ay parehong Ilokano.

Sinabi naman ni Marcos na marami pang lokal na opisyal sa Kidapawan City ang nangako ng suporta sa kaniyang kandidatura.

Read more...