Pondo sa Christmas parties, gifts itulong na lang sa mga mahihirap – Robredo

By Jan Escosio October 12, 2020 - 08:41 PM

SENATE PRIB PHOTO

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang lahat na sa halip na magdaos ng Christmas parties at bumili ng mga regalo, itulong na lang ang pera sa mga naapektuhan ng kasalukuyang krisis, partikular na sa mga mahihirap.

“Wala muna kasi sayang lang ang gastos. Saka wala muna iyong, huwag na muna sigurong magregaluhan. Ang regaluhan na lang iyong mga kailangan talagang regaluhan na mga mahihirap,” aniya.

Binanggit ni Robredo na ang kanyang tanggapan ay ipinagpaliban na ang ilan sa kanilang mga aktibidad para makatipid.

“Kami din sa office, marami din kaming pinagpaliban muna. Iyong makakahintay pa next year na mga activities, next year na lang, para iyong lahat na mase-save naming ngayon, papunta lahat talaga sa direct na tulong sa mga tao,” sabi pa ni Robredo.

Una nang ipinag-utos ng Budget and Management Department sa mga ahensiya ng gobyerno na higpitan ang paggasta para matiyak na may sapat na pondo para sa pagtugon sa pandemiya.

Ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang nagkansela na ng kanilang Christmas parties para makapagbigay tulong sa mga nangangailangan.

TAGS: Christmas parties, Inquirer News, Radyo Inquirer news, VP Leni Robredo, Christmas parties, Inquirer News, Radyo Inquirer news, VP Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.