Epektibo na ang curfew sa Lungsod ng San Juan simula sa araw ng Lunes, October 12.
Sa ilalim ng City Ordinance No. 76, series of 2020, mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 5:00 ng madaling-araw ang curfew sa lungsod.
Hindi naman sakop nito ang mga sumusunod:
– Health workers at frontline personnel
– Mga naka-duty na pulis, sundalo at iba pang law enforcers
– Mga naka-duty na empleyado ng pamahalaan at pribadong kumpanya
– Mga drayber ng mga pampasaherong sasakyan na pinapayagan nang pumasada
– Delivery services ng mga pangunahing pangangailangan (pagkain, gamot at iba pa)
– Mga indibidwal na may kinakaharap na emergency
– Mga kawani ng pamahalaan na may ginagampanang gawaing awtorisado ng Punong Lungsod
Tiniyak naman ni Mayor Francis Zamora na istrikto pa ring ipatutupad ang health and safety protocols sa pamamagitan ng COVID-19 local ordinances at IATF resolutions and directives.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.