307 violators sa iba’t ibang ordinansa, nahuli sa Navotas City

By Angellic Jordan October 12, 2020 - 07:31 PM

Umabot sa 307 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Linggo ng hapon (October 11), hanggang 5:00, Lunes ng hapon (October 12).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 171 kung saan 90 ang adult habang 81 ang menor de edad.

Sumunod dito ang hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 124.

Wala namang nahuli na hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, anim ang nahuling umiinom, tatlo ang naninigarilyo, dalawa ang walang suot pang-itaas habang isa naman sa iba pang ordinansa.

TAGS: city ordinance violators, curfew violators, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators, city ordinance violators, curfew violators, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.