Mag-asawang Pinoy patay sa aksidente sa Melbourne, Australia

Melbourne AustraliaPatay ang mag-asawang Pinoy sa aksidente ng naganap kahapon sa Melbourne, Australia.

Sa ulat ng Herald Sun, kinilala ang nasawing mag-asawa na sina Jesus at Amy Remo.

Patungo sa trabaho ang dalawa sakay ng kotse sa kahabaan ng Hopkins Road sa Truganina nang maganap ang aksidente.

Isa sa tatlong anak nila ang sakay nila noon pero ligtas naman ang bata.

Hindi idinetalye kung paano nagana pang aksidente, pero sa ulat, maliban sa Mazda na sinasakyan ng mag-asawang Remo, sangkot din sa aksidente ang isang utility vehicle, isang 4WD at ilang trucks.

Ang pamilya Remo ay nag-migrate sa Australia mula sa Pilipinas pitong taon na ang nakararaan.

Read more...