PCG, nagsagawa ng search and rescue ops sa banggaan ng dalawang bangka sa Sulu

By Angellic Jordan October 12, 2020 - 04:01 PM

Nagkasa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng search and rescue (SAR) operations sa karagatang sakop ng Sulu, araw ng Linggo (October 11).

Ito ay kasunod ng napaulat na collision incident sa pagitan ng dalawang bangka bandang 10:00 ng umaga.

Ngunit matapos ang apat na oras na operasyon, itinigil ito ng ahensya bunsod ng mabigat ng buhos ng ulan at hindi magandang kondisyon ng dagat.

Inalerto naman ang mga lokal na mangingisda na magsilbing lookout.

Inabisuhan din ang mga mangingisda na agad i-report sa pinakamalapit na Coast Guard unit para sa kinakailangang aksyon.

TAGS: collision incident in Sulu, Inquirer News, PCG, Radyo Inquirer news, search and rescue operations, collision incident in Sulu, Inquirer News, PCG, Radyo Inquirer news, search and rescue operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.