Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maaring ma-defer ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga kumpanyang “in distress” ang kalagayan dahil sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may umiiral na batas na nagsasaad na obligado ang pagbibigay ng 13th month pay.
Sa ngayon, hindi pa aniya naamyendahan ang naturang batas.
“The law has not been amended. That is the law, that is the mandatory provision of the Labor Code,” pahayag ni Roque.
Pero sa ngayon, sinabi ni Roque na mas makabubuting hayaan muna ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pag-aralan ang naturang isyu.
“Pabayaan po natin pag-aralan ng DOLE. Pero sa aking tingin, hanggang magkaroon ng bagong batas, hindi po ‘yan pwede ma-defer,” pahayag ni Roque.