Ilang bahagi ng Central Luzon, patuloy na uulanin
By Angellic Jordan October 12, 2020 - 02:42 PM
Makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa bahagi ng Central Luzon.
Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na Tropical Depression Nika at Southwest Monsoon o Habagat.
Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Bataan (Morong, Bagac at Mariveles); Zambales.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.