Tanong ng grupong BAYAN, “Bakit walang safety feature ang LRT train na umandar ng bukas ang pinto?”

Video Grab from James Cubelo's FB
Video Grab from James Cubelo’s FB

Nagtataka ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) kung bakit hindi gumana ang safety feature ng tren ng Light Rail Transit 1 na umandar kahit nakabukas ang pintuan ng isa nitong coach.

Ayon kay BAYAN Secretary General Renato Reyes Jr., kung ‘activated’ ang safety feature ng nasabing tren, hindi ito dapat umandar nang nakabukas ang pinto. “Ang mga ganyang tren, may safety feature. Pag bukas ang pinto, automatic na hindi aandar. Yung LRT, naka 2 istasyon pa ang inabot. Bakit?,” tanong ni Reyes.

Dahil sa nasabing pangyayari, sinabi ni Reyes na halatang hindi pumasa sa safety standards ang nasabing tren na subject ng viral video sa facebook matapos umandar habang bukas ang pinto ng isang coach kagabi.

Sa halip na umandar, dapat aniyang inabisuhan ang mga pasahero na bumaba at saka dinala na lamang sa depot ang tren.

Ang nakababahala ayon kay Reyes, baka may iba pang mga tren ang LRT na bumibiyahe kahit walang safety feature.

Kung sa ibang bansa aniya nagana pang nasabing insidente, tiyak na may mapapanagot at may mga mapaparusahan.

Read more...