Pagpasa ‘on-time’ sa 2021 national budget, tiniyak ni presumptive Speaker Velasco

By Erwin Aguilon October 12, 2020 - 02:13 PM

Siniguro ni presumptive Speaker Lord Allan Velasco na susunod ito sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte upang pagtibayin kaagad ang panukalang P4.5-trillion 2021 national budget.

Sa kanyang talumpati matapos iluklok na House Speaker, sinabi ni Velasco na sa nangyari sa araw ng Lunes, October 12, ay makatitiyak na makakapasa sa oras ang pambansang pondo, ito ay legal at naayon sa Saligang batas.

Sinabi nito na susuportahan din niya bilang pinuno ng Kamara ang mga legislative agenda ng Pangulo na magiging legacy ng administrasyon nito.

Lilika aniya sila ng batas para sa mga hindi lamang para sa mga Filipino sa bansa kundi maging ang nasa ibayong dagat tulad ng para sa trabaho, ekonomiya, healthcare, pagkain, peace and order at clean ang sustainable energy.

Ngayong araw din ayon kay Velasco ang Day 1 ng bagong kabanata sa Kamara.

Matapos maluklok si Velasco ay nanumpa kay Barangay Chairman Allan Franza ng Barangay Matandang Balara, Quezon City.

TAGS: 18th congress, 2021 national budget, Inquirer News, presumptive Speaker Lord Allan Velasco, Radyo Inquirer news, 18th congress, 2021 national budget, Inquirer News, presumptive Speaker Lord Allan Velasco, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.